FDA, nagpaalala na hindi na kailangan ng purchase booklet sa pag-avail ng senior citizens ng 20% discount

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi na kailangan ng senior citizens na magpakita ng purchase booklets sa pag-avail ng 20-percent discount sa mga botika na lisensyado ng FDA.

Kasunod ito ng pag-alis din ng Department of Health (DOH) purchase booklet mula sa checklist ng requirements sa pag- avail ng mga nakatatanda ng 20% senior citizens discount

Ito ay alinsunod sa FDA Circular No.2025-005 bilang pagtalima sa Expanded senior citizens Act of 2010.

Una nang inilabas ang Administrative Order noong Disyembre na layong mabawasan ang pasanin ng senior citizens sa pag-avail ng nasabing benepisyo

Facebook Comments