FDA, nagpaalala sa ilang vaccine manufacturers na hindi sila madadaan sa suhol

Nagbabala si Food and Drug Administration (FDA) Administrator Undersecretary Eric Domingo sa mga vaccine developers na huwag nang tangkain pang manuhol sa FDA para sa approval ng kanilang bakuna.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Domingo na hindi sila magpapadala sa anumang panunuhol at ibabase ang kanilang go signal sa scientific data at efficacy ng inimbento nilang bakuna kontra COVID-19.

Sinabi pa nito na magiging objective ang FDA sa pag-apruba ng gagamiting bakuna sa ating mga kababayan upang matiyak ang kaligtasan nito.


Tiniyak pa ni Usec. Domingo na sakaling may manuhol sa kanila sa FDA ay mananagot ang alinmang vaccine manufacturers.

Matatandaang naging kontrobersyal ang Sinovac na mula sa China dahil sinuhulan umano ng manufacturer nito ang drug regulatory agency sa China upang makakuha ng permit.

Facebook Comments