FDA, nagpalabas ng advisory laban sa mga unregistered COVID-19 vaccine

77

Nagpalabas ngayon ang Food and Drug Administration (FDA) ng advisory laban sa mga bakuna na panlaban sa COVID-19.

Sa interview ng RMN Manila kay FDA Director General at Health Undersecretary Eric Domingo, binigyan diin nito na wala pang rehistradong bakuna kontra COVID-19 na inaaprubahan ng pamahalaan.


Babala ni Domingo sa publiko, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng unregistered COVID-19 vaccine dahil hindi nito masisiguro kung ito ay ligtas at epektibo.

Binigyan diin pa ni Domingo na tanging ang Sinovac ng China pa lamang ang inindorso ng Department of Science and Technology (DOST) para sa application for registration ng COVID-19 vaccine.

Ito aniya ay mahigpit pa nilang pag-aaralan bago aprubahan.

Ang babala ng FDA ay kasunod ng pabirong pahayag ni Senate President Tito Sotto na nagpabakuna kontra COVID-19 mula Pfizer sina Sen. Panfilo Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.




Facebook Comments