FDA, nagsasagawa na ng case-build up laban sa Fabunan injection

Nagsasagawa na ng case build-up ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa Fabunan Antiviral Injection na sinasabing gamot laban sa COVID-19.

Ito ay matapos kumalat ang ulat sa social media na isang komunidad sa Zambales ang nagpaturok ng antiviral injection.

Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang Fabunan ay hindi rehistrado sa FDA.


Aniya, hindi ito nag-apply para sa Certificate of Product Registration (CPR).

Iginiit ni Vergeire, na may hurisdiksyon ang FDA sa mga unregistered drug o vaccine, habang ang Professional Regulations Commission (PRC) ay para sa medicine practice.

Nagbabala ang DOH na papanagutin ang sinumang gumagamit ng hindi rehistradong produkto.

Inisyuhan na ng FDA ng cease and desist order laban sa Fabunan.

Samantala, naghahanda na sila para sa pagsasagawa ng clinical tirals para sa Japanese anti-flu drug na Avigan sa kabila ng pagdududa hinggil sa bisa nito laban sa sakit.

Facebook Comments