Naka-abang ang FDA o Food and Drugs Administration sa resulta ng imbestigasyon ng NOMA o ng Norwegian Medicines Agency kaugnay ng pagkamatay ng 23 senior citizens sa Norway at sampu naman sa Germany, matapos maturukan ng COVID vaccine ng Pfizer.
Nilinaw naman ni FDA Director General Eric Domingo na sa Pilipinas ay Pfizer pa lamang ang nabigyan nila ng EUA o Emergency Use Authorization dahil nakita nila na mas marami ang benepisyo nito kaysa sa panganib.
Iginiit ni Domingo na kapag lumabas sa imbestigasyon ng Norwegian authorities na talagang delikado kapag binakunahan ang 90 years old pataas, at dumating na ang bakuna sa Pilipinas ay saka sila magdedesisyon na huwag itong gamitin sa may mga severe allergy at sa mga talagang matatanda na.
Una rito, sinabi na ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na napagdesisyunan na nila ni Health Secretary Francisco Duque III ang unang plano na mula 18 hanggang 59 years muna ang babakunahan.