Babala sa mga mahilig bumili ng murang pagkain.
Dahil nasamsam kamakailan ng mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ng mga expired na food products na naglipana sa ilang palengke.
Matapos magsagawa ng raid ang FDA sa 4 na tindahan sa Blumentrit Market sa Sta. Cruz, Manila nakakumpiska ang mga ito ng higit P44 milyon na expired food products tulad ng margarines, assorted cube mix, spaghetti sauce, sweet tomato catsup mix, cheese mix, cheese spread, pasteurized cheese spread, chicken shredded meat hot and spicy, cheddar cheese spread and assorted flavor 3-in-1 coffee mix.
Bago ito nakakumpiska rin ang mga tauhan ng FDA ang tinatayang P127, 200.00 halaga ng mga expired food products mula sa 3 tindahan sa Quinta Market, Quiapo, Manila.
Paalala ni FDA Director General Nela Charade Puno sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanila kung may alam na mga nagtitindang panis o expired na produkto sa napakamurang halaga.
Babala nito kung sino man ang makakakain ng mga expired food products ay maaaring magkaroon ng diarrhea, magsuka o ma food poison.