FDA, nanawagan kay Pangulong Bongbong Marcos na ibasura ang vape bill

Sumama na rin ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga nananawagan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibasura ang kontrobersyal na vape bill.

Sa isang liham na ipinadala ng FDA kay Marcos, nanindigan ang FDA na may mandato ang ahensya nito sa pagregulate ng vape.

Binigyang-diin ni FDA officer-in-charge director general Dr. Oscar Gutierrez ang kasalukuyang ruling ng Korte Suprema na may kapangyarihan ang FDA na i-regulate ang anumang “health products” o anumang produkto na posibleng epekto sa kalusugan ng tao.


Sa ilalim kasi ng vape bill, maililipat ang pagreregulate ng naturang produkto sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sakaling hindi ito aksyunan ng Marcos administration, magiging batas ito kahit wala ang pirma ng pangulo sa July 24.

Facebook Comments