FDA, nilinaw ang pagkakaiba ng antigen test kit at ng saliva test kit ng Red Cross

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na ang inaprubahan nilang saliva antigen test kit ay hindi kapareho ng ginagamit ng Philippine Red Cross (PRC) sa kanilang saliva test.

Ayon sa FDA, ang saliva-specific test kit na may special certification mula sa ahensya ay ang rapid antigen-based test kit.

Habang ang ginagamit ng PRC ay RT-PCR based test kit.


Nagpaalala naman ang FDA na ang paggamit ng nasabing mga test kit ay ginagawa ng mga trained health professionals.

Facebook Comments