Nilinaw ni Food & Drug Administration (FDA) Director General Usec. Eric Domingo na hindi magkakaibang bakuna ang ibibigay sa mga medical health workers, senior citizens at may comorbidity kapag sila ay tumanggap nang 3rd dose.
Sa Laging Handa public press briefing pinaliwanag nito na ang tinatawag na mix and match kasi ay kung magkaiba ang first dose at second dose.
Pero kapag nakumpleto ang dalawang vaccine ay additional dose o booster shot ang tawag dito.
Kasunod niyan sinabi ni Usec. Domingo na ang naging rekomendasyon ng vaccines experts panel ay kung magbibigay ng additional vaccines ay dapat kapareho ring bakuna ang ibibigay.
Tulad aniya sa mga naturukan ng Sinovac sa 1st at 2nd dose ang ituturok bilang 3rd dose ay Sinovac din.
Ani Domingo, baka wala kasing dagdag na proteksyon kapag ibang bakuna pa ang gagamitin.