Patuloy na nire-review ng Food and Drug Administration (FDA) ang datos ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech ng China bago sila bigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) sa Pilipinas.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nakadepende pa rin kung kailan matatapos ang kanilang evaluation sa mga dokumentong isinumite ng Sinovac.
Hindi maaaring payagan ang isang produkto na kulang ng impormasyon lalo na pagdating sa safety at efficacy.
Nais lamang nilang tiyakin na walang makikitang problema kapag inaprubahan nila ang paggamit ng bakuna sa bansa.
Bukod dito, sinabi rin ni Domingo na interesadong mag-apply para sa EUA ang American pharmaceutical company na Moderna.
Magiging madali para sa kanila na i-review ang datos ng Moderna vaccine dahil pumasa na ito sa iba’t ibang bansa.