FDA, patuloy ang evaluation sa EUA application ng J&J at Bharat

Patuloy na nagsasagawa ng evaluation ang Food and Drug Administration (FDA) sa emergency use application ng COVID-19 vaccines ng Janssen ng Johnson & Johnson at Covaxin ng Bharat Biotech.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sumailalim sa deliberasyon ng vaccine experts ang Janssen vaccine at posibleng magkaroon na sila ng rekomendasyon ngayong araw.

Ang Covaxin naman ay mayroong kulang na requirements.


Bukod dito, sinabi ni Domingo na pinag-aaralan nila ang mga ulat na nagkakaroon din ng ng kaso ng pamumuo ng dugo o blood clot ang mga naturukan ng Janssen vaccine.

Batay sa Centers for Disease Control and Prevention, ang mga viral vector vaccines tulad ng AstraZeneca at Janssen ay gumagamit ng modified version ng virus.

Nabatid na ang single-dose ng Janssen vaccine ay mayroong 66-percent efficacy habang ang two-dose Covaxin ay mayroong 81-percent efficacy.

Facebook Comments