Nag-isyu ang Food and Drug Administration (FDA) ng paalala sa lahat ng doktor sa pampublikong ospital na iwasang magkaroon ng Interaction sa Tobacco at E-Cigarette Industries.
Ito ay alinsunod sa Joint Memorandum Cirlular 2910-91 na inisyu ng Dept. of Health (DOH) at Civil Service Commission (CSC).
Ayon sa FDA OIC, Usec. Eric Domingo, gagamitin ang mga doktor para sa Disinformation Campaigns sa pagsusulong ng paggamit ng E-Cigarettes.
Aniya nagsisilbing getaway options sa Tobacco at illicit drug use ang E-Cigarretes.
Sakop ng Memorandum Circular ang lahat ng Physicians, lalo na ang Medical Officer, Medical Specialist, at Scientist.
Facebook Comments