FDA, pinayuhan ang publiko na hintayin muna ang guidelines ng DOH bago gumamit ng self-administered antigen COVID-19 test kit

Pinayuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko na hintayin munang lumabas ang guidelines ng Department of Health (DOH) bago gumamit ng self-administered antigen COVID-19 test kit.

Ayon kay FDA officer-in-charge Director Oscar Gutierrez Jr., mahalagang masunod ang guidelines ng DOH para maiwasan ang maling paggamit ng self-administered testing kit na maaaring magbigay ng false positive o false negative result.

Aniya, iniiwasan din nila na magkaroon ng false hope o maling pag-asa ang publiko dahil sa maling resulta ng self-administered testing kit.


Nauna nang sinabi ni Gutierrez na dalawang kompanya na ang nag-apply sa FDA ng special certification at inindorso na nila ito sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para mapag-aralang mabuti bago mabigyan ng approval.

Facebook Comments