Aminado ang Food and Drug Administration (FDA) na hindi pa tiyak kung matutuldukan na ang African Swine Fever (ASF) at Avian flu sa bansa.
Ito ay dahil hanggang sa ngayon ay wala pang nag-a-apply sa FDA para sa bakuna laban sa mga naturang sakit ng hayop.
Ayon kay FDA Director-General Samuel Zacate, hindi aniya sila makagawa ng aksyon dahil walang manufacturer ng bakuna na nag-apply para makapasok sa bansa.
Gayunpaman, inihayag ni Zacate na batay sa kanilang intel ay mayroong tatlong applicants ang posibleng pagmulan ng bakuna para sa ASF at avian flu.
Hinihintay na lang aniya nila na pormal itong mag-apply at magsumite ng mga dokumento.
Samantala, nagpalabas na rin ang FDA ng media announcements para himukin ang nais mag-apply ng registration para sa bakuna kontra ASF at avian flu.