FDA, sinabing galing sa Thailand ang ilang batches ng Lucky Me products sa Europa na nakitaan ng presensya ng ethylene oxide

Inihayag ng Food and Drug Administration (FDA) sa Pilipinas na galing sa Thailand ang ilang batches ng Lucky Me! Instant pancit noodles na nakitaan ng presensya ng ethylene oxide sa ilang bansa sa Europa.

Batay ito sa inilabas na abiso ng Food Safety Authority ng Ireland kung saan nakalista ang bansang Thailand sa country of origin ng mga produktong nakitaan umano ng ethylene oxide na isang ‘unathorized substance’ ayon sa report ng Rapid Alert System for Food and Feed (RASFF) ng European Commission.

Nauna nang itinanggi na manufacturer nitong Monde Nissin Corporation na hindi sila naglalagay ng naturang kemikal sa kanilang mga produkto bagkus ay ginagamit lamang nila ito bilang treatment sa kanilang raw materials.


Samantala, ibinahagi ng Monde Nissin sa FDA na walang na-detect na ethylene oxide ang samples ng ilang variants ng Lucky Me! Instant noodle products na kanilang isinumite sa isang independent laboratory sa Vietnam upang suriin.

Ngunit may nakitang maliit na trace ng kemikal sa Pancit Canton Calamansi pero pasok ito sa acceptable level na 0.02 milligram per kilogram ng European Union.

Facebook Comments