Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto na mas maraming sektor o grupo ng mga indibidwal ang maaaring turukan ng Sputnik V na mula sa Russia.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Food and Drug Adminsitration (FDA) Director General Undersecretary Eric Domingo na base sa iprinisintang clinical trial result ng Gamaleya, maaaring ibigay ang bakuna sa mga 18 taong gulang pataas.
Maaari ring ibigay ang Sputnik V sa may mga comorbidities o sa mga taong may sakit tulad ng diabetes, hypertension at iba pa.
Nabatid na higit 91% ang efficacy rate ng Sputnik V dahil gumagamit ito ng magkaibang adenoviral vector sa 1st at 2nd dose nito dahilan para mas maging mataas ang efficacy rate nito kumpara sa ibang mga bakuna na panlaban sa COVID-19.
Kamakailan lang ay pinagkalooban na ng Emergency Use Authorization (EUA) ng FDA ang Sputnik V.