Sinimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag-re-review ng Emergency Use Authorization (EUA) ng mga bakuna na gagamitin sa booster shot.
Ayon kay FDA Director General Dr. Eric Domingo, kabilang sa kanilang pag-aaralan kung dapat bang parehong brand ng bakuna ang ibigay bilang booster shot o maaaring magkaiba.
Titignan din aniya kung kailangang gawing tatlong dose na ang ibinibigay na bakuna.
Facebook Comments