Pinag-aaralan na ng Food and Drug Administration (FDA) na dagdagan ang mga gamot na papayagan para sa emergency use sa COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, sinisilip na nila ang pag-expand ng listahan ng drug products na nasa ilalim ng emergency use.
Ang Health Technology Assessment Council (HTAC), University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH) at iba pang advisory bodies ay inatasan ng pamahalaan na magrekomenda ng guidelines sa paggamit ng drug products para sa COVID-19 treatment.
Ang mga drugs under emergency use ay registered at repurposed investigational drugs.
Ang registration ng mga gamot para sa emergency use ay dapat nakabase sa Philippine COVID-19 Living Recommendation, na siyang nagbibigay ng up-to-date review ng scientific evidence at pinagsasama ang mga rekomendasyon ula sa medical societies at institution para sa diagnosis, treatment, at prevention ng COVID-19 infection.