FDA, sinusuri na ang aplikasyon ng Janssen sa certificate of product registration para sa kanilang COVID-19 vaccine

Sinusuri na ng Food and Drug Administration (FDA) ang isinumiteng aplikasyon ng pharmaceutical company na Jannsen para sa Certificate of Product Registration (CPR) ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ito ang kinumpirma ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kung saan ang Janssen pa lamang ang tanging COVID-19 vaccine manufacturer na nag-apply para sa CPR.

Mababatid na binigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Janssen para sa kanilang single-dose vaccine laban sa COVID-19 noong April 2021.


Sakaling aprubahan ang isinumiteng certificate of product registration ay maaari nang ibenta ang kanilang produkto sa publiko.

Facebook Comments