FDA, tiniyak na may sapat na supply ng gamot para sa COVID-19 patients

Tiniyak ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na mayroong sapat na supply ng gamot para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, mayroong sapat na supply ng remdesivir – isang anti-viral drug na ginagamit laban sa virus.

Mayroon ding available supplies para sa dexamethasone, isang corticosteroid na ginagamit dahil sa anti-inflammatory at immunosuppressant effects nito.


Ayon sa World Health Organization (WHO), ang dexamethasone ay nakakatulong sa mga COVID-19 patients na kritikal na ang kondisyon.

Pero aminado si Domingo na ang stock ng iba pang gamot sa ospital ay nauubos na dahil sa tumataas na bilang ng mga pasyente.

Facebook Comments