Umaasa ang Food and Drug Administration (FDA) na makakapagpasa sa susunod na linggo ang American pharmaceutical company na Moderna ng application para sa emergency use ng kanilang COVID-19 vaccine.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, inaabangan nila ang pagsusumite ng Moderna ng emergency use application ngayong linggo pero wala pa silang natatanggap.
Hindi naman sila mahihirapan sa evaluation ng EUA application ng Moderna dahil mayroon na itong EUA mula sa iba pang regulatory authorities.
Kasalukuyang ine-evaluate ng FDA ang EUA application ng Bharat Biotech ng India at Janssen Pharmaceuticals.
Una nang nabigyan ng EUA ang Pfizer, AstraZeneca, Gamaleya, at Sinovac.
Facebook Comments