Umaasa ang Food and Drug Administration (FDA) na matatapos sa lalong madaling panahon ang evaluation para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng Sinopharm COVID-19 vaccines.
Matatandaang ang Department of Health (DOH) ang nag-apply para sa EUA ng Sinopharm.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, posibleng mabigyan na ng EUA ang Sinopharm lalo na at nakapulong na ng DOH ang mga kinatawan ng vaccine manufacturer.
Nagpadala na rin sila sa Vaccine Experts Panel (VEP) ng scientific data at clinical trial data ng Sinopharm.
Samantala, naghihintay pa rin ang FDA sa Novavax para makumpleto na ang vaccine portfolio ng pamahalaan.
Facebook Comments