Muling nagpa-alala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga rehistrado at lisensyadong pharmacy at mga drug stores na magbenta lamang ng mga gamot o medisina na may reseta ng mga doktor.
Ang nasabing pahayag ng dfa ay kaugnay sa pagtaas ng pagbili ng Hydroxychloroquine na umanoy kaya daw panggamot sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ang naturang gamot ay isang anti-malaria drug na ginagamit din bilang pang-gamot sa rheumatoid arthritis at lupus.
Dahil dito, umaapela ang fda sa mga botika na ibigay lamang sa mga pasyente ang gamot kung may reseta ang mga ito mula sa mga doktor at ipaliwanag sa mga mamimili ang patakaran hingggil dito.
Nabatid kasi na iniiwasan ng FDA na dumating sa punto na walang mabibiling gamot na Hydroxychloroquine ang isang pasyenteng nanganganib ang buhay.