Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi bumababa ang efficacy ng COVID-19 vaccines pagkatapos ng anim na buwan.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kung bumaba ang efficacy ng mga bakuna, dapat ay dumadami na rin ang nagkakaroon ng breakthrough infection.
Dahil dito, wala aniyang pangangailangan na magbigay ng booster shot dahil hindi naman nawawala ang epekto ng bakuna.
Una nang sinabi ni Domingo na sa 20.3 million na Pilipinong fully vaccinated na laban sa COVID-19, tanging 516 lamang ang naitala nilang breakthrough infections.
Facebook Comments