Feasibility studies para sa 2 railway projects, aprubado na ayon sa DOTr

Asahan nang mas bibilis pa ang mga proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng Build Better More sa railway sector.

Ito’y matapos aprubahan ng Public-Private Partnership Center Project Development and Monitoring Facility Committee ang feasibility study sa 2-railway project.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Planning and Project Development Leonel De Velez, nagkakahalaga ng 100 milyong piso ang naturang feasibility studies para sa San Mateo railway at Northern Mindanao Railway Project.


Paliwanag ni De Velez, naka-angkla aniya ang mga ito sa Philippine Development Plan 2023-2028 na siyang inaasahang magbabangon sa bansa mula sa epektong dulot ng COVID-19 pandemic.

Ang Rizal Railway ang siyang mag-uugnay sa bayan ng San Mateo sa lalawigan ng Rizal patungo sa Metro Manila habang ang Northern Mindanao railway naman ang siyang mag-uugnay sa Cagayan de Oro patungo sa Laguindingan Airport.

Facebook Comments