FEATURE | Online Selling and Shopping, Patok at Kumikitang Kabuhayan!

Kahit saan ka pa naroon, may ginagawa sa buhay o wala, may edad na o teenager pa, basta’t may internet connection at camera ay pwedeng-pwede kang kumita!

Isa si Maureen Joyce Garcia sa mga online sellers na habang nag-aaral sa kolehiyo ay kumikita na dahil sa online selling. Sa kanyang instagram business profile, doon niya ipino-post ang mga damit (pang-taas, panglakad, mga pantalon, sapatos, atbp.) na siyang nagiging produkto niya at tinatangkilik naman ng mga users sa murang halaga.

Ayon sa kanya, ang perang kanyang kinikita sa online selling ay naipangbabayad nya sa eskwela, halimbawa sa projects o iba pang school activities, habang ang iba naman ay napupunta sa mga gastusin nila sa bahay.


Hindi kailangang mamuhunan kung online ang pamamaraan ng pagnenegosyo. Babala lang ng mga awtoridad na mag-iingat ang sellers dahil kung gaano karami ang tumatangkilik sa online shops ay ganoon din naman ang mga taong may mga modus na kung minsan ay nagiging mitsa ng pagkalugi, habang ang ilan ay nagdudulot ng pagkakasangkot ng mga seller sa gulo at problema.

Bagaman malaki ang kita, kaakibat ng online selling and shopping ang pagiging responsable dahil kadalasan ay marami ang naloloko, kaiba sa pisikal na mga tindahan na nagbabayad ng pwesto, renta, at buwis sa gobyerno.

Ulat ni Melody Dawn C. Valenton

Facebook Comments