FEATURE | Survivor Camp sa Bugallon, Pangasinan Matagumpay na Naidaos!

Kasabay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo, inorganisa at isinagawa ng Bugallon Youth Fellowship Movement (BYFM), isang samahan ng mga kabataang mula sa 8 Christian churches sa Bugallon: Passion of Christ Church Inc., Christ’s Faithful Servants Ministries, Jesus the Rock our Redeemer, Solid Rock Bible Congregation (Main, Gueset), Multi-Faith Bible Chapel, Victory Church, at Jesus the Life Giver Christian Fellowship, ang isang Survivor Camp na naganap noong April 26-28, 2018, mula Huwebes hanggang Sabado sa Estanza Beach, Lingayen, Pangasinan.
Ang nasabing kaganapan ay naglalayong paigtingin at pag-alabin ang Christian character o ang Christ-centered foundation ng bawat kabataan tungo sa mas matatag at matibay na paglilingkod sa Panginoon, at pagharap sa mga hamon sa buhay sa pamamagitan ng mga extreme outdoor activities, spiritual and life coaching na pinangunahan nina Rev. Fleci Decano ng Christ Faithful Servants Ministries (CFSM), Rev. Benjamin Bares ng Jesus the Life Giver Christian Fellowship (JTLGCF) at Rev. Jessie Paragas ng Solid Rock Bible Congregation (SRBC).
Humigit kumulang isang taon na paghahanda at preparasyon ang inilaan ng BYFM Council of Leaders and Staffs sa pangunguna ng chairperson na si Sis. Racquel Sareno at Rev. Lorenzo Manzon ng Passion of Christ Church Inc. Lingayen.
Bagama’t aminadong hindi sapat ang mga resources, ipinamalas ng Panginoon ang kanyang mapagbiyaya at mapaghimalang mga kamay sa pamamagitan ng BFP Bugallon na siyang sumagot sa pangangailangan sa tubig; mga private entities para sa generator at iba pang tulong pinansyal, espiritwal, at pisikal.
Sa pagtatapos ng camp, humigit kumulang walumpung kabataan ang makapagpapatotoo sa lahat ng kanilang mabubuting karanasan, mga buhay na nabago, at mga pananampalatayang napalakas.
Para naman sa BYFM, ito’y umpisa pa lamang at naghahanda na para sa mga susunod pang aktibidad ng organisasyon. Naniniwala silang sa bawat plano nila ay matutupad at maisasagawa dahil sa biyaya at grasya ng Diyos.
Ulat ni Melody Dawn C. Valenton

Facebook Comments