Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Election o Comelec sa mga kandidato na sa February 12 pa magsisimula ang kampaniya para sa national election.
Habang sa March 30 pa ang campaign period para sa mga local candidates.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mahigpit nilang ipapatupad ang kanilang inilatag na broadcast airtime.
Bukod rito, maglulunsad rin aniya sila ng “oplan baklas” sa mga malalaking tarpaulin na taliwas sa tamang sukat na itinatadhana ng poll body.
Aalisin din aniya nila ang mga poster at tarpaulin na hindi nakalagay sa common poster area.
Sabi pa ni Jimenez, maglalabas din sila ng abiso sa mga kumakandidato na bago pa ang election period ay kusa na nilang alisin ang kanilang mga nakapaskil na poster na ikinabit.