Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na special non-working holiday bukas, Feb. 24, 2023.
Para ito sa paggunita sa EDSA People Power Revolution na nangyari noong Feb. 22 hanggang 25, 1986.
Nakasaad sa Proclamation No. 167 na nilagdaan ni PBBM, na inilipat sa Feb. 24 ang naunang deklarasyon na special non-working holiday para sa Feb. 25, 2023.
Ang hakbang ni Pangulo Marcos ay alinsunod sa prinsipyo ng holiday economics na layuning mabigyan ng pagkakataon ang mamamayan na ma-enjoy ang mahabang weekend.
Facebook Comments