February 6 plebiscite para sa BOL, pinaghahandaan na

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang ikalawang araw ng plebisito sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa February 6.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Superintendent Bernard Banac – kaparehas na security preparations ang ipatutupad sa ikalawang plebisito kung saan higit 3,000 pulis ang ipapakalat sa anim na munisipalidad ng Lanao del Norte at 39 na barangay sa North Cotabato.

Nasa higit 6,000 strong PNP forces ang nananatiling nasa heightened alert sa Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Cotabato City at Isabela City sa ARMM para sa accounting ng election returns.


Facebook Comments