UNITED STATES – Pumasok na ang Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika sa pag-iimbestigasyon sa money laundering.Kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Tg Guingona, na nasa bansa ang ilang tauhan ng FBI para imbestigahan ang ninakaw na 81 million dollar sa Bangladesh bank at ilegal na ipinasok sa bansa.Kumpirmahin rin ng casino junket operator na si Kim Wong na nakikipag-ugnayan na sa kanyang mga abogado ang FBI kaugnay sa kanyang pagkakasangkot sa money laundering.Kahapon, nagsauli naman ng mahigit P38 million sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang Eastern Hawaii Leisure na kompanyang pagmamay-ari ni Wong.Ang perang ito ay nasa ilalim ng pangalan ng casino junket agent na si Gao Sua Hua na pinaniniwalaang bahagi ng perang ninakaw sa bangladesh.Samantala, itutuloy ng Senado ngayong araw ang imbestigasyon sa kontrobersiya.
Federal Bureau Of Investigation (Fbi), Pumasok Na Sa Imbestigasyon Ng Money Laundering Sa Bansa
Facebook Comments