Federal gov’t na hiling ni Misuari, dapat naaayon sa konstitusyon – PRRD

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat naaayon sa konstitusyon ang federalism na nais ni Moro National Liberation Front founding Chairperson Nur Misuari.

Ayon sa Pangulo – sigurado siyang batid ni Misuari na kinakailangang tumatalima sa konstitusyon ang pagtatag ng Federal System of Government.

Bago ito, nagbanta na ng giyera si Misuari laban sa gobyerno kung hindi maipatutupad ang Federal Form of Government.


Iminungkahi ni Pangulong Duterte ang paglikha ng negotiating panel na tatalakay sa uri ng pederalismo na isinusulong ni Misuari para sa mga kababayang Moro.

Ang panukalang pagpapapalit mula presidential papuntang federal system ay nakabinbin pa rin sa Kongreso.

Facebook Comments