Federal Judge sa Nevada, tinanggihan ang hiling ng mga kandidato ng Republican para sa Kongreso na itigil ang pagbibilang ng mail-in ballots

Tinanggihan ni Federal Judge Andrew Gordon ang hiling ng mga kandidato ng Republican para sa Kongreso na itigil muna ang pagbibilang ng mail-in ballots sa Clark County sa Nevada sa Amerika.

Ayon kay Judge Gordon, ang interes ng publiko ang siyang dapat na masunod hinggil sa pagbibilang ng mail-in ballots kung saan mawawalan ng karapatan ang mga bumoto kung hindi ito mabibilang.

Bukod dito, hindi rin pabor ang publiko na itigil ang pagbibilang ng balota dahil nais nila na malaman agad kung sino-sino ang nanalo.


Samantala, hindi pa naman makapaglabas ng kumpletong bilang ang election office sa Philadelphia dahil hanggang ngayon ay patuloy nilang nire-review at binubukod ang mga mail-in ballots na tinatayang nasa 20,000 at walk-in ballots na nasa 15,000 hanggang 20,000 ang bilang.

Facebook Comments