Federal system at cha-cha, isusulong ni Senator Pacquiao sakaling maluklok bilang pangulo ng bansa

Sang-ayon si Presidential Aspirant Senator Manny Pacquiao na kailangang maamyendahan ang ating Saligang Batas sa pamamagitan ng Constitutional Convention para mabago ang porma ng gobyerno patungong Federal System.

Paliwanag ni Pacquiao, Sa kasalukuyang sistema kasi bagama’t mayroon na tayong Local Government Code ay nasa national government pa rin ang kapangyarihan ng pagbibigay ng pondo para sa mga kinakailangang proyekto ng mga LGUs.

Diin ni Pacquiao, Dapat direkta ng ibigay sa mga LGUs ang pondo ng hindi na hahawakan pa ng national government para hindi naman sila mukhang namamalimos sa pera na talaga naming nakalaan para sa kanila.


Sabi ni Pacquiao, kung mananalo syang Pangulo sa 2022 ay gagawin nya agad ito pagkaupong-upo sa pwesto para hindi maakusahan na gagamitin ang Charter Change para manatili sa kapangyarihan.

Inihayag ito ni Pacquiao sa kanyang pagharap sa mga supporters sa Quezon City kung saan nagsagawa sya ng motorcade at bumisita sa ilang barangay sa Commonwealth, Batasan at Payatas.

Sa kanyang talumpati ay hinikayat ni Pacquiao ang mga kapuspalad na patuloy na magsikap na tuparin ang kanilang mga pangarap at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hirap at pagsubok sa buhay.

Facebook Comments