Manila, Philippines – Walang ibang nasa posisyon para ipaliwanag ang federalism sa mga Filipino kung hindi ang mga nasa likod ng lumikha ng draft federal constitution
Ito ang naging pahayag ni Fr. Ranhilio Aquino, dean ng San Beda Graduate School of Law at isa sa mga myembro ng consultative committee; ang kumite na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa posibleng pag amyenda sa 1987 Constitution para sa isinusulong na federal government.
Ayon kay Dean Aquino ang dapat na magpaliwanag ng pederalismo ay yung totoong nakakaalam at nakakaintindi ng pasikot-sikot ng konstitusyon.
Nais nitong bumoto ang mga Pinoy pabor sa pagpapalit ng konstitusyon kapag lubos nilang naintindihan kung ano talaga ang pederalismo at kung ano ang magandang maidudulot nito.
Hindi sa pamamagitan lamang ng kasikatan ni Mocha sa social media na batid namang maraming followers.
Sinabi pa ni Dean Aquino hindi sila nakonsulta sa con-com na si Mocha ang magpapaintindi tungkol sa pederalismo.
Matatandaang naging kontrobersyal muli si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson at co-host nito makaraang idaan sa malaswang sayaw ang I-pederalismo video na tumagal nang halos kalahating minute.