Manila, Philippines – Constituent Assembly o Con-Ass ang nais ni Senate President Aquilino Koko Pimentel na paraan ng pag-amyenda sa ating konstitusyon na magbibigay daan sa federalism.
Paliwanag ni Pimentel, mas mainam ang Con-Ass kumpara sa Con-Con o Constitutional Convention kung saan gagastos pa ang gobyerno ng P20 Billion pesos.
Naniniwala din si Pimentel na mas magiging katanggap-tangaap sa publiko ang pagtitipid sa pondo ng bansa para sa pag-amyenda ng Saligang Batas.
Ang Con-Ass aniya ay bubuuin ng mga kongresista at senador pero sa Con-Con kasi ay kailangan pang pumili ng mga delegado.
Dagdag pa ni Pimentel, gugugol din ng mahabang panahon sa Con-Con dahil ang mga mapipiling delegado nito ay kailangan pang mag-organisa ng kani-kanilang tanggapan at mga komite, magsagawa ng pag-aaral, at bumuo ng agenda.