Manila, Philippines – Hindi makikialam ang Palasyo ng Malacanang sa hindi pagkakasundo ng Senado at ng House of Representative sa issue ng pagpapalit ng saligang batas at pagbuo ng Federal System of Government.
Gusto kasi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na Kamara lamang ang boboto sa resolusyon para sa Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly na mariin namang kinokontra ngayon ng Senado.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hahayaan lang nilang maayos ng mga Senador at ng mga Kongresista ang nasabing usapin at hindi sila manghihimasok sa issue.
Hindi din aniya pakikialaman ni Pangulong Duterte ang usapin dahil iginagalang nito ang Kongreso bilang isang kapantay na sangay ng gobyerno.
Facebook Comments