Manila Philippines – Duda sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Panfilo Ping Lacson na matutupad ang target na Charter Change o chacha ngayong taon.
Paliwanag ni Recto, imposibleng maamyendahan ang konstitusyon sa loob ng iilang buwan dahil marami pang dapat pag-aralan ukol sa Federalism.
Katwiran naman ni Senator Ping Lacson, madali itong sabihin pero mahirap itong gawin lalo na ang gusto ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maisagawa ang plebesito sa chacha sa Mayo.
Tinawag naman ni Senate President Koko Pimentel na ‘alarmists’ ang mga espekulasyon ukol sa term extension ng kasalukuyang mga halal na opisyal ng gobyerno.
Inamin ni Pimentel na ang mahabang transition period para sa pagpapalit ng porma ng gobyerno sa Federalism ay bahagi ng rekomendasyon ng study group mula sa PDP-Laban.
Pero diin ni Pimentel, hindi layunin ng mahabang transition period na mapaboran ang administrasyon ng Duterte.