FEDERALISM | Impormasyon ukol sa federalism makararating hanggang sa mga estudyante – Malacañang

Manila, Philippines – Gagamitin na rin ng palasyo ng Malacañang ang Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHED) para ikalat ang impormasyon patungkol sa pederalismo.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, makakasama sa massive government effort ang iba pang gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte sa information drive para sa pederalismo kaya maibababa hanggang sa mga estudyante ang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng DepEd at ang CHED.

Bukod aniya sa mga government offices ay mayroon na ring mga non-government organizations o mga NGO ang nagpahayag ng kanilang kahandaan na tumulong sa magpapakalat ng impormasyon patungkol sa pederalismo at pati narin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.


Sinabi din ni Andanar na makikipag-ugnayan na rin sila sa mga broadcast companies para makahingi ng kahit 13 minuto at makatulong sa gobyerno para maisahimpapawid ang kahalagahan ng TRAIN at ng federalism.

Facebook Comments