Manila, Philippines – Hiniling ni Quezon City Representative Winston Castelo sa mga kritiko na isantabi ang mga banat sa federalism at isipin ang mas malaking kapakinabangan ng bansa sa oras na magpalit na ng uri ng gobyerno.
Giit ni Castelo, ang term limits at ang posibleng suspensyon sa 2019 election ay maliliit na isyu lamang sa ilalim ng transition government bago maging ganap ang federalism.
Malaki aniya ang objective sa ilalim ng federal government dahil mas maisasaayos ang pamamahala sa buong bansa at magiging pantay ang distribusyon ng mga proyekto at programa para sa lahat ng mga Pilipino lalo na sa mga taga Mindanao.
Ang mga papapalawig ng termino lalo na sa mga senador at kanselasyon ng 2019 election ay ilan lamang sa options para sa smooth transition mula unitary papuntang federal form of government.
Nauna dito ay sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kailangan talaga ang transition provision dahil hindi naman basta-basta gagawin ang pagpapalit ng gobyerno sa federalism.