FEDERALISM | Manila Mayor Estrada, naniniwalang dapat pag-aralang mabuti ang pagpapapalit ng sistema ng gobyerno

Manila, Philippines – Naniniwala si dating Pangulo at Manila Mayor Joseph Estrada na kinakailangan pang pag-aralan ang pagpapapalit ng sistema ng gobyerno tungo pederalismo.

Ayon kay Estrada, maingat at masusing pag-aralan dapat ang proposal lalo at nagbabala ang economic managers na ang pagmamadali sa pagpapatupad nito ay posibleng makaapekto ng economic growth ng bansa.

Gayumpaman, buo ang suporta ni Mayor Erap sa panukala.

Una nang sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, na malaki ang magiging impact sa ekonomiya ng bansa ang minadaling implementasyon ng federalism.

Facebook Comments