FEDERALISM | Mga Pinoy, hindi pa handa – Nene Pimentel

Manila, Philippines – Aminado si dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na sa ngayon ay hindi pa handa ang Pilipinas sa ganitong uri ng sistema ng pamahalaan.

Sa forum sa Manila Hotel , sinabi ni Pimentel na kailangang ipaliwanag na mabuti sa mga Filipino ang Pederalismo upang higit na maunawaan ang magandang idudulot nito sa bansa.

Ayon kay Pimentel, mahalaga ang pagsasagawa ng mga forum at consultation sa lahat ng panig ng bansa upang maipaabot sa kabatiran ng bawat mamamayan na kailangan na ang pagbabago sa pamamahala at ito ay sa pamamagitan ng pag-adopt sa Federal Form of Government na hindi kinopya sa ibang bansa.


Naniniwala si Pimentel na sa sandaling maisagawa ang malawakang konsultasyon at pagpapalliwanag sa sambayanan ay matatanggap na ng sambayanan ang Federalism.

Isinusulong ng kampo ni Pimentel ang Federalism sa paniniwalang ito ang solusyon sa pag-unlad ng bansa lalo na at matatanggal sa imperial Metro Manila ang sentro ng kapangyarihan at maikakalat ito sa bawat rehiyon ng bansa na itatalagang Federal Region.

Facebook Comments