Federalism, nananatiling nasa agenda ni Pangulong Duterte  

Iginiit ng Malacañan na buhay pa ang pederalismo sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi kasi kailangang idaan ang panukalang batas ang pagsusulong ng Pederalismo dahil ang kailangan ay maamyendahan ang saligang batas.

Dapat ding magkasundo ang Kamara at Senado sa pamamagitan ng constituent assembly.


Sakali mang hindi magtagumpay ang Pederalismo, pwedeng gamitin ang Local Government Code.

Matatandaang isa ang Pederalismo sa mga campaign promise ni Duterte noong 2016 Presidential Elections.

Facebook Comments