Manila, Philippines – Hiniling ni House Speaker Pantaleon Alvarez na mag-convene ang Kamara at Senado para sa Constituent Assembly (Con-Ass) sa Enero para maisulong ang Federal system of government.
Ayon kay Alvarez, prayoridad ng Kongreso sa susunod na taon ang pag-amyenda ng Saligang Batas.
Ang pagbabago aniya ng konstitusyon ay kailangan para sa pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Agad naman sumang-ayon sa hiling ni Alvarez si Senate President Koko Pimentel.
Target munang tapusin ng Senado ang pagratipika ng 3.77 trillion pesos na National Budget at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).
Facebook Comments