Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na matatapos ang pagpapalit ng porma ng gobyerno patungo sa Federalismo bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, prayoridad ng adminsitrasyon sa pangunguna ni Pangulong Duterte ang pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Ito naman ang sinabi ni Roque sa harap narin ng katotohanan na hindi pa nakakausad ang kongreso para simulan ang hakbang para mapalitan ang porma ng gobyerno.
Pero sinabi ni Roque na naniniwala sila na sa tamang panahon ay masisimulan din ito dahil ang pag-amiyenda sa Saligang Batas ay ang unang hakbang bago magkaroon ng Federal Form of Government.
Pero binigyang diin din naman ni Roque na walang plano si Pangulong Duterte na kumapit sa posisyon at binasag din nito ang espekulasyon na hindi magkakaroon ng halalan sa susunod na taon.