Manila, Philippines – Hiniling ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na gawing bukas sa publiko ang pagtalakay sa pipiliing government structure sa ilalim ng Federalism.
Giit ni Zarate, ang mga isyu at proposals na ilalatag para sa Cha-Cha ay dapat masaksihan ng taumbayan.
Dapat aniyang gawin ito upang maging bukas sa kritisismo at ibang opinyon ng mamamayan ang isinusulong na Charter Change.
Sinabi ni Zarate na kung mga House at Senate Leaders lamang ang mag-uusap usap sa Federalismo ay tiyak na paghihinalaan sila ng taumbayan na baka bumubuo na ng self-serving na klase ng Saligang Batas.
Paalala ng kongresista mula sa oposisyon na anumang batas o panukala na makakaapekto sa buhay ng mga Pilipino tulad ng Cha-Cha ay dapat na imaging transparent at hindi lamang iilan ang magdedesisyon.