FEDERALISM | Pahayag ni House Speaker Alvarez, umani ng suporta sa Kamara

Manila, Philippines – Umani ng suporta sa ilan pang lider ng Kamara ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na kailangan na ng bansa ang federal form of government.

Ayon kay House Committee on Good Government and Public Accountability Chair at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, marami na silang napasang panukala sa Kamara pero nananatili itong nakabinbin sa Senado.

Sinabi ni Pimentel na maging ang death penalty na naipasa na nila ilang buwan na ang nakalilipas ay hindi pa rin inaaksyunan ng Senado.


Sinabi naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu, kailangan ng federalism upang mapabilis ang proseso ng lawmaking.

Bukod dito, mapapadali din anya ang implementasyon ng mga programa ng pamahalaan para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Para naman kay Quezon City Rep. Winston Castelo, mapapabilis ang mga legislative agenda ng pamahalaan kung maisasabatas na ang federalism na magiging daan para sa pag-unlad ng bansa.

Facebook Comments