FEDERALISM | Pinakahuling SWS survey, magandang senyales para paigtingin pa ang kampanya ng Pederalismo – DILG

Manila, Philippines – Lalo pang palalakasin ng Department of Interior and Local Government ang kampanya sa pagbabago ng konstitution tungo sa Pederalismo.

Ayon kay DILG Assistant Secretary for Communication and Public Affairs Jonathan Malaya, magandang senyales ang pinakahuling ulat ng SWS dahil pagkakataon ito para mas pag-ibayuhin pa ang kampanya ng Pederalismo sa mga Rehiyon.

Base sa 1st Quarter survey na isinagawa ng SWS noong March 23-27, 2018, isa sa apat o 25% ng mga nasa idad na Pilipino ay mayroon ng kaalaman tungkol sa Pederalismo.


Nakita din sa naturang Survey na 27% o mas maraming tao sa Probinsya ang nakakaalam sa Pederalismo kumpara sa Urban Areas na 24 % lamang.

Kaalaman at suporta sa Pederalismo ay pinakamataas na nakuha sa Mindanao, kasunod ang Metro Manila, Visayas at pantay sa Luzon.

Ayon pa kay Malaya, Nakita rin sa survey na habang naiiintindihan ng mga tao ang Pederalismo ay mas sumasang-ayon sila dito.

Umaasa ang DILG na ang mayorya sa 34 % na hindi pa nakakapagpasya ay susuporta sa Pederalismo kapag inindorso na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iminumungkahing modelo ng Consultative Committee sa darating na State of the Nation Address sa susunod na buwan.

Nitong nakalipas na araw isinagawa ng DILG ang Federalism Roadshow sa Dumaguete at Baguio City na dinaluhan ng maraming tao.

Facebook Comments