Manila, Philippines – Inihain na ngayon ni Senator Panfilo Ping Lacson ang senate resolution number 580 na nagsusulong na hiwalay na talakayin ng Senado ang charter change o Cha-Cha.
Sa resolusyon ay ipinaliwanag ni Lacson na may tatlong pamamaraan kung paano babaguhin ang salitang batas na siyang magbibigay daan para mapalitan ang porma ng gobyerno patungong Federalism.
Kabilang dito, Constitutional Convention o Con-Con, peoples initiative at ang magkasamang pag-akto ng Senado at Kamara bilang assembly.
Mungkahi ni Lacson sa kanyang resolusyon na solong umakto ang Senado bilang constituent assembly upang hindi mabalewala ang boto nilang mga senador.
Ikinatwiran ni Lacson na mawawalan ng saysay ang kanilang panig para sa Cha-Cha dahil 23 lamang sila kumpara sa mga kongresista na halos 300 ang bilang.