FEDERALISM | Senator Lacson, kumbinsidong ayaw ni Pangulong Duterte ng term extension

Manila, Philippines – Kumbinsido si Senator Panfilo Ping Lacson na hindi hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatili sa pwesto kapag natuloy ang Charter Change na magbibigay daan sa Federalism.

Ayon kay Lacson, ramdam niya ang sinseridad ni Pangulong Duterte sa paulit-ulit nitong pahayag na gusto na nitong bumaba sa pwesto at ayaw nyang hindi matuloy ang nakatakdang eleksyon dahil sa gagawing pagpapalit sa porma ng gobyerno.

Diin ni Lacson, ang problema ay ang ibang mga kongresista na parang gigil na gigil na magkaroon ng ‘no-election scenario’ para manatili sila sa pwesto.


Tingin ni Lacson sa mga nabanggit na kongresista ay balasubas, makakapal ang mukha, at walang delicadeza.

Giit ni Lacson, hindi mapagkakatiwalaan ang mga hakbang at boto para sa Cha-Cha ng nabanggit na mga kongresista dahil siguradong para lang yun sa kanilang pansariling intres.

Facebook Comments